Mga nanay may libreng sakay sa P2P buses hanggang May 11

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 10, 2018 - 11:51 AM

May maagang regalo ang Department of Transportation (DOTr) at mga kumpanya na nag-ooperate ng P2P buses sa mga ina ng tahanan.

Simula kahapon, May 9 hanggang bukas, May 11 ay libreng makasasakay ang mga nanay sa mga P2P bus.

Kabilang sa magbibigay ng libreng sakay ang mga P2P bus ng RRCG na biyaheng Alabang Town Center – Greenbelt 1 at vice versa.

Ang oras ng biyahe ng P2P ng RRCG ay sa pagitan ng alas 7:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon kapag galing sa Alabang at alas 8:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon kapag galing ng Greenbelt.

Libre din ang sakay ng mga nanay sa P2P bus ng DNS na biyaheng UP Town Center – Glorietta 3 at vice versa.

Sa pagitan naman ng alas 5:30 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ang biyahe kapag galing UP Town Center at 5:30AM hanggang alas 5:00 ng hapon kung galing Glorietta.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, Mother's Day, P2P buses, Radyo Inquirer, dotr, Mother's Day, P2P buses, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.