Petisyon para sa dagdag-singil sa toll ng 4 na expressways posibleng aprubahan ng TRB

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 10, 2018 - 07:53 AM

NLEX FILE PHOTO

May posibilibidad na pagbigyan ng TOll Regulatory Board ang petisyon ng apat na expressways para makapagdagdag ng singil.

Kabilang sa mga may nakabinbing petisyon para sa pagtaas ng singill sa toll ay ang NLEX, SCTEX, Star Tollway at Cavitex.

Nasa pagitan ng 14 percent hanggang 45 percent ang hirit nilang dagdag singil sa toll.

Ayon kay Bert Suansing, tagapagsalita ng TRB, matagal-tagal na rin namang hindi nagtaas ng singil ang nasabing mga expressway.

Sasailalim pa sa deliberasyon ng TRB ang aaprubahan halaga ng dagdag singil at hindi pa rin tukoy ayon kay Suansing kung kailan ilalabas ang desisyon.

Kabilang naman sa mga ikukunsidera ng TRB sa pagpapasya ang consumer price index, tindi ng traffic at epekto ng Tax Reform Law.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CAVITEX, NLEX, SCTEX, star tollway, toll fee, trb, CAVITEX, NLEX, SCTEX, star tollway, toll fee, trb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.