Pagtatalaga ng bagong DOT Secretary ipinamamadali ni Binay

By Jan Escosio May 08, 2018 - 03:47 PM

Inquirer file photo

Nakiusap si Senator Nancy Binay kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad magtalaga ng papalit sa nagbitiw na si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Sinabi ni Binay na dapat maipagpatuloy ang mga gumugulong na programa at proyekto ng Department of Tourism partikular na ang isinasagawang rehabilitasyon ng isla ng Boracay.

Samantala, pinasalamatan na nito si Teo sa pagbibigay serbisyo sa bansa.

Sinabi ni Binay na nakakalungkot at nakaladkad ang nagbitiw na kalihim sa kontrobersiya at hinahangaan niya ito sa desisyon na mag-resign.

Dagdag pa ng senador sa ginawa ni Teo ay nabawasan ang pressure sa pangulo at hindi na rin ito kailangan pang makaladkad sa kontrobersiya.

TAGS: binay, boracay, dot, duterte, teo, binay, boracay, dot, duterte, teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.