OFW na natagpuang patay sa septic tank sa SoKor, pinaslang umano ng kapwa-Pilipino

By Ricky Brozas May 06, 2018 - 02:24 PM

Inquirer file photo

Gustong mapabilis ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang proseso ng pagpapauwi sa bansa ng bangkay ng isang OFW na natagpuang patay sa isang septic tank sa South Korea.

Ito’y matapos matukoy ang mga kaanak ng biktima sa pamamagitan ng DNA tests.

Tumanggi naman ang kalihim na pangalanan ang biktima na aniya’y taga Iloilo. Ito’y habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Batay sa impormasyon ni Cayetano, 2016 pa nang magtrabaho bilang factory worker ang biktima sa Korea.

Tinutugis naman aniya ang pumaslang sa biktima na kapwa-OFW nito na posibleng nakauwi na ng Pilipinas.

TAGS: Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ofw, septic tank, south korea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ofw, septic tank, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.