INC, nakuha ang bagong record para sa Largest Human Sentence

By Isa Avendaño-Umali May 06, 2018 - 12:11 PM

Nakuha ng Iglesia Ni Cristo ang bagong world record para sa Largest Human Sentence.

Batay sa Guinness World Records, umabot sa 23,235 ang participants o nakibahagi sa human sentence na “Proud to be a member of Iglesia Ni Cristo.”

Natalo na nito ang noo’y rekord ng India na nasa 16,550.

Inaasahan na tataas pa ang bilang dahil hindi pa natatapos ang mga aktibidad.

Nagmistulang reunion din ang INC event dahil nagkasama-sama ang mga magkakapamilya, magkakaibigan at mga magkakasama sa distrito.

Kanya-kanyang baon din sila at animo’y may picnic dahil buong araw pa silang sa Roxas Boulevard at Quirino Grandstand.

Nakaantabay naman ang mga ambulansya at medical personnels dahil may mga participants ang kailangang lapatan ng atensyong medikal.

Base sa tala, hindi bababa sa 20 ang nilunasan dahil sa pagkahilo at hypertension, dala na rin ang dami ng tao at init ng panahon.

TAGS: Guinness World Records, INC, Largest Human Sentence, Guinness World Records, INC, Largest Human Sentence

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.