Papel ng mga negosyante kinilala ni Duterte sa pag-usad ng kanyang mga proyekto

By Den Macaranas May 05, 2018 - 07:43 PM

RTVM

Personal na nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Asian Developlement Bank (ADB) kaugnay sa kanilang naging malaking papel sa pagsusulong ng mga proyekto ng pamahalaan.

Sa kanyang pagdalo sa 51st ADB Annual Meeting sa Ortigas Center sa Pasig City, sinabi ng pangulo na malaki ang tulong ng mga dayuhang investors sa bansa sa pagsusulong ng Buil Build Build project ng pamahalaan.

Ipinaliwanag rin ng pangulo ang papel ng ADB sa pagtatayo ng mga infrastructure projects sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga ADB governors, mya miyembro ng economic cluster at ilang business leaders.

Sinamantala na rin ng pangulo ang pagkakataon para ipaliwanag sa ilang mga dumalo sa pagtitipon ang halaga ng kanyang kampanya kontra sa iligal na droga.

Kanya ring ipinangako na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga Pinoy ay kanyang mamayagpag ng ekonomiya ng bansa sa rehiyon sa mga susunod na taon .

TAGS: ADB, build build build, BUsiness, duterte, Investment, ADB, build build build, BUsiness, duterte, Investment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.