Baywalk Bodies member na si Kat De Santos arestado sa droga

By Den Macaranas May 05, 2018 - 07:27 PM

Screen grab

Arestado sa isang anti-illegal drugs operation sa Quezon city ang dating miyembro ng all-female group na Baywalk Bodies.

Kinilala ng Quezon City Police District Office Station 1 ang naarestong suspek na si Kat De Santos.

Siya ay naaresto sa isang drug raid na ginawa sa isang bahay sa Tagaytay Street sakop ng Barangay San Jose sa nasabing lungsod.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek pero naaresto rin siya ng mga pulis.

Sa sa ulat ng QCPD, nakuha nila sa nasabing dating aktres ang isang sachet ng shabu.

Kaninang umaga ay naglunsad ng magkakasunod na drug raid ang mga tauhan ng QCPD sa iba’t ibang lugar sa lungsod na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mahigit sa 50 drug personalities.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng pamunuan ng QCPD na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga operasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod laban sa iligal na droga.

TAGS: drugs, kat de santos, QCPD, shabu, drugs, kat de santos, QCPD, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.