Bulkang Bulusan, nagbugang muli ng Abo

Posted in: Featured, Latest News, National

Bulkang Bulusan, nagbugang muli ng Abo

bulusan-volcano-phivolcs
Larawan mula sa Google

Kinumpirma ng Phiippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagputok ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon, Martes ng umaga.

Ayon kay Director Ed Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs sa Albay, kaninang 11:02 ng umaga naganap ang pagbuga ng abo at mga bato na tumagal din ng ilang minuto.

Ayon pa kay Laguerta,  patungo sa direksyong kanluran ang ibinuga nitong abo o patungo sa bayan ng Juban sa Sorsogon.

Sa ngayon, nananatili pa rin naman sa alert level 1 ang bulkang Bulusan.

Leave a comment