2 patay sa banggan ng tricycle at bus sa Catanauan, Quezon

By Rohanisa Abbas May 05, 2018 - 08:55 AM

Google Maps

Patay ang dalawa katao matapos sumalpok ang kanilang sinasakyan tricycle sa isang bus sa Catanauan, Quezon.

Ayon kay Chief Insp. Raul Abenilla, hepe ng Catanauan police, minamaneho ni Dancho Manzano ang isang tricycle kasama ang kanyang asawang si Celestina.

Binabagtas ng mag-asawa ang Barangay Matandang Sabag Silangan nang bumangga ito sa kasalubong na pampasaherong bus.

Naganap ang insidente dakong 11:25 ng umaga ng Biyernes.

Batay sa paunang imbestigasyon, sinubukan ng tricycle na i-overtake ang isang sasakyan dahilan para mabangga ito ng paparating na bus sa kabilang direksyon.

Naisugod pa sa ospital ang dalawang biktima pero patay na nang dumating ang mga ito roon.

Tinutugis naman ng pulisya ang driver ng Barney Bus na si Jonathan Lachica na tumakas matapos ang insidente.

 

TAGS: aksidente, bus, overtake, patay, Quezon, Tricycle, aksidente, bus, overtake, patay, Quezon, Tricycle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.