9 bangkay na nakatago sa Malong, nakitang bitbit ng grupong pinaniniwalaang BIFF sa Maguindanao

By Mark Makalalad May 04, 2018 - 08:55 PM

Siyam na bangkay na nakatago sa Malong ang nakitang bitbit ng grupong pinaniniwalaang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Macalag, Datu Hoffer, Maguindanao.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng Philippine Army, nagreport ang ilang baranggay officials na may mga residenteng nakita sa lugar ang nasa mahigit kumulang 20 armadong kalalakihan na pinaniniwalaang BIFF mag a-alas-4:00 ng hapon Biyernes (May 4).

Nakasakay daw ang mga ito sa kabayo bitbit ang naturang mga bangkay.
Nabatid na base sa tintahak na daan, patawid ang mga armadong grupo sa Brgy. Ahan, Guindulungan, Maguindanao.

Patuloy ang operasyon ng militar at tinutukoy ang lokasyon ng nasabing grupo.

TAGS: 9 bangkay na nakatago sa Malon, BIFF, Brgy. Ahan, Datu Hoffer, Guindulungan, Macalag, maguindanao, operasyon ng militar, Philippine Army, 9 bangkay na nakatago sa Malon, BIFF, Brgy. Ahan, Datu Hoffer, Guindulungan, Macalag, maguindanao, operasyon ng militar, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.