Lalaking wanted sa kasong rape at murder sa CDO, naaresto sa Marawi City

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 03, 2018 - 07:16 AM

Nadakip sa Marawi City ang isang lalaki na wanted sa kasong repe at murder sa Cagayan De Oro.

Kinilala ang suspek na si Antonio Barangan Acopiado na labignapat na taon nang nagtatago sa batas.

Ayon kay Atty. Abdul Jamal Dimaporo, hepe ng NBI sa Iligan City, taong 2004 pa nagsimulang magtago ang suspek dahil sa kasong murder na kaniyang kinakaharap.

Wanted si Acopiado sa pagpatay sa kasamahan niyang security guard sa Zamboanga.

Dalawang taon na ang nakararaan ipinagharap din ito ng kasong rape dahil sa panggagahasa sa isang menor de edad.

Matagal na nagsagawa ng surveillance ang NBI at kalaunan natukoy nilang nagtatrabaho bilang karpentero ang suspek sa Mindanao State University sa Marawi City.

Agad dadalhin sa Cagayan de Oro ang suspek para maharap niya ang kaniyang mga kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: arrested, Cagayan De Oro City, Marawi City, NBI, wanted for rape and murder, arrested, Cagayan De Oro City, Marawi City, NBI, wanted for rape and murder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.