España isinara sa mga motorista dahil sa libu-libong raliyista

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 01, 2018 - 09:49 AM

Inquirer Photo | Jovic Yee

Nagresulta sa pagsasara ng westbound lane ng España, Maynila ang pagmamartsa ng libu-libong mga raliyista.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas 9:22 ng umaga sarado ang España Boulevard westbound o ang linya na patungo ng Quiapo Maynila.

Ito ay dahil nabarahan ng humigit-kumulang 3,000 mga raliyista ang kalsada at wala nang madaanan ang mga motorista.

Hindi naman naapektuhan ang daloy ng traffic sa kabilang linya ng España o ang lane na patungo sa Quezon Avenue.

Nang magsimula namang tumulak pa-Mendiola ang mga raliyista unti-unti nang umusad ang daloy ng traffic.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: espana blvd, Labor Day, manila, Radyo Inquirer, raliyists, espana blvd, Labor Day, manila, Radyo Inquirer, raliyists

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.