MRT 3, may libreng sakay para sa mga mangagawa ngayong araw

By Justinne Punsalang May 01, 2018 - 04:59 AM

Mayroon libreng sakay para sa publiko ang MRT 3 ngayong araw kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day.

Sa abiso ng MRT 3, libre ang pamasahe sa kanilang mga tren simula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Lahat ng mga manggagawa, pribado o pampubliko man ay maaaring makasakay ng libre sa MRT.

Paalala lang ng pamunuan ng MRT 3, ipakita ang company ID upang ma-avail ang libreng sakay.

TAGS: Labor Day, MRT, Labor Day, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.