Rufa Mae Quinto ibinahagi ang sikreto sa pagpapapayat

By Justinne Punsalang April 29, 2018 - 08:46 PM

Rufa Mae Quinto Instagram

Masayang ibinahagi ni Rufa Mae Quinto na narating na niya ang kanyang target figure matapos manganak.

Sa Instagram post ng komedyante ay sinabi nito na proud siya sa kanyang sarili dahil matapos madagdagan ang kanyang timbang ng 85 pounds dahil sa pagbubuntis ay naibalik na niya ang kanyang dating figure.

Ibinahagi ni Rufa Mae na pumayat siya dahil nagbawas siya ng pagkain ng matatamis, kanin, mga maaalat, at pritong pagkain.

Nakatulong din aniya ang pag-aalaga niya sa kanyang baby girl na si Athena Alexandria.

Ayon pa sa aktres, ibabahagi niya ang iba pa niyang sikreto para makapagbawas ng timbang at magkaroon ng muscles sa kanyang vlog na mapapanood na si susunod na mga araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.