Lola tinambangan sa Maynila, patay

By Ricky Brozas April 29, 2018 - 12:31 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang lola matapos pagbabarilin sa Sta. Cruz, Maynila, Linggo ng umaga.

Batay sa ulat ng Alvarez police community precinct, nangyari ang insidente pasado alas 6:20 Linggo ng umaga sa A. Mendoza St., kung saan tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang biktimang si Josephine Galang, 66 anyos, residente ng Nadura St., Brgy. 20 Caloocan city.

Ayon kay Manila Police District spokesperson, Supt. Erwin Margarejo, isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa kung ano ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang nasa likod nang pagpatay sa biktima.

TAGS: ambush, manila, MPD, ambush, manila, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.