Mag-ama patay sa away pamilya sa Pangasinan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 10:41 AM

Patay ang isang karpentero at kaniyang anak na lalaki habang sugatan ang anak na babae nang mauwi sa karahasan ang away pamilya sa bayan ng Aguilar sa Pangasinan.

Nasawi si Wilfredo de Vera, 56 anyos at anak niyang si Kid Willy de Vera, 30 anyos nang pagbabarilin ng kanilang kaanak ang kanilang bahay sa Barangay Panacol, Huwebes ng hapon.

Malubhang nasugatan ang 27 anyos na si Kathly de vera at ngayon ay ginagamot sa ospital.

Ayon kay Aguilar police chief, Sr. Insp. Rodolfo Santiago agad namang naaresto ang mga suspek sa pamamaril na sina Julian de Vera, 63; anak nitong si Jefferson, 39; at mga pamangkin na sina Marvin de Vera, 46; Ariel Zuñiga, 27; at isa pang menor de edad.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Santiago na ang dalawang pamilya ay naninirahan sa magkalapit na bahay.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa magkakaanak bago naganap ang pamamaril.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng 12-gauge shotgun, dalawang basyo ng.45-caliber pistol, at isang kutsilyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: family feud, pangasinan, Shooting Incident, family feud, pangasinan, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.