Banner Story

Posted in: Program Schedule

Banner Story

radyoinquirer132It’s not just news, but insights, perspectives, interviews and directuons, moving the stories and the issues forward.

Karanasan, Katapatan at Kagalingan sa pamamahayag—ito ang hain ng tambalang Jake Maderazo at Arlyn Dela Cruz sa programang Banner Story.

Bilang mamamahayag, manunulat, Producer at News and TV Executive, si Maderazo ay nasa likod ng pinakamatatagumpay na programa ng News and Current Affairs ng ABS-CBN kabilang dito ang TV Patrol, Alas Singko Y Medya at Hoy Gising.

Si Dela Cruz naman bilang mamamahayag, manunulat at news and current affairs producer ay kilala sa kanyang mga exclusive stories sa iba’t ibang TV networks. Siya din ay eksklusibong sumusulat para sa Philippine Daily Inquirer kung saan siya ay nag-iisa sa titulong Correspondent-At-Large sa loob ng maraming taon.

Ang dalawang premyado at batikang mamamahayag ay mapapakinggan sa himpapawid tuwing alas sais hanggang alas nuwebe ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Kasama sila, ang bawat umaga ay punong-puno ng balita, talakayan, panayam at samu’t saring pananaw na may kasiyahan at katuwaan pa, sa bawat umaga, sa gitna ng bawat balitang mahalaga.

Leave a comment