3 miyembro ng NPA arestado sa Sarangani

By Rohanisa Abbas April 26, 2018 - 11:10 AM

Timbog ang tatlong myembro ng New People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na engkwentro ng militar sa mga bayan ng Maasim at Malapatan sa Sarangani.

Unang nakasagupa ng 27th Infantry Battalion ang 15 komunistang rebelde sa Barangay Amsipit, Maasim noong Lunes.

Ayon kay Grig. General Roberto Ancan, tumagal nang mahigit isang oras ang bakbakan.

Narekober sa lugar ang tatlong M16 rifle, granda, at rifle grenade.

Nasugatan sa engkwentro ang isang myembro ng NPA na nagpapagaling ngayon sa opsital.

Noong Martes naman, nakabakbakan ng 73rd Infantry Battalion ang NPA sa Upper Suyan sa Malapatan.

Matapos ang engkwentro, narekober ang isang M16 rifle at isang carbine.

Dito rin napasakamay ng militar ang dalawang rebelde.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NPA, Radyo Inquirer, Sarangani, NPA, Radyo Inquirer, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.