2 magsasaka na kapwa tatakbo sa Barangay elections patay sa pananambang sa Lanao del Sur

By Rohanisa Abbas April 26, 2018 - 10:58 AM

Patay sa pananambang ang dalawang magsasaka sa Pualas, Lanao del Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Jabber Saripada Tanog at Ayno Abdul Saripada.

Ayon kay Lanao del Sur Provincial Police Director Senior Superintendent Ronald Briones, mayroon pang isang biktima na nakaligtas sa pananambang.

Ayon sa pulisya, tinitignan nila ang anggulo sa pulitika at rido o away ng mga pamilya bilang motibo ng krimen.

Posible umanong private armed group ang nasa likod ng insidente

Noong nakaraang linggo, naghain ng certificate of candidacy sina Saripada at Tanog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, barangay, Lanao Del Sur, ambush incident, barangay, Lanao Del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.