Mga lugar sa Apayao at Cagayan, 14 oras nawalan ng kuryente dahil sa natumbang 3 poste

By Rohanisa Abbas April 25, 2018 - 04:22 PM

Nawalan ng kuryente nang 14 na oras ang lalawigan ng Apayao at mga lugar sa hilaga ng Cagayan dahil sa tatlong poste ng kuryente na pinatumba ng hangin.

Ayon kay Lolobeth Gaydowen, tagapagsalita ng National Grid Corpopration of the Philippines (NGCP) North Luzon, natumba ang mga poste ng NGCP sa Amulung, Cagayan dahil sa malakas na rainstorm.

Sinabi ni Gaydowen na papalitan sana ang isa sa mga poste ngayong araw, pero napaaga ang pagsasaayos dito dahil sa maliit na buhawi.

Nawalan ng kuryente sa mga bahagi ng Apayao at Cagayan mula Lunes ng hapon hanggang Martes ng umaga.

Ayon sa NGCP, naibalik na ang kuryente sa Tuguegarao-Magapit-Sta. Ana 69-kV line, kung saan sineserbisyuhan ang ilang bahagi ng Cagayan Electric Cooperative (Cagelco) I at ng kabuuan ng Cagelco II.

Bunsod naman ng insidente, ni-reschedule ng NGCP ang power interuption na nakatakda sana bukas sa May 4.

TAGS: Apayao, Cagayan, ngcp, Apayao, Cagayan, ngcp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.