200 kilo ng double dead na karne, nasabat sa Guiguinto, Bulacan

By Chona Yu October 11, 2015 - 04:28 PM

 

botchaAabot sa dalawang daang kilong double dead na karne ang nasabat ng mga pulis sa Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay Supt. Julius Caesar Domingo, hepe ng Guiguinto police station, naaresto ang dalawang suspek na sina Rock de Guia, 55 anyos at Rolando Layug, 40 anyos, kapwa residente ng Brgy. Pritil, Guiguinto.

Una rito, nakatanggap ng tips ang mga pulis na kinatay ng dalawang suspek ang dalawang patay na baboy.

Agad namang sinunog ng Veterinary at Agricultural Office ng Guiguinto ang mga nasabat na double dead na karne habang kakasuhan ng paglabag ng Republic Act 10536 o Meat Inspection Code ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.