5 miyembro ng isang pamilya patay sa sunog sa Bacoor, Cavite

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 24, 2018 - 08:18 AM

Patay ang limang miyembro ng isang pamilya sa sunog na naganap sa Bacoor, Cavite kaninang madaling araw.

Nagsimula ang sunog alas 2:10 ng madaling araw at ayon kay Bacoor Cavite Fire Station Senior Fire Officer Emmanuel Arcallana, alas 4:11 ng madaling araw nang ito ay maideklarang fire out.

Nang mapasok ng mga otoridad ang nasunog na bungalow type na bahay ay tumambad sa kanila ang limang tupok na katawan ng mga biktima.

Tatlo sa mga nasawi ang nakilalang sina Christopher Moyano, live in partner niyang si Shirley Abalos at anak nilang si Chris Nathan Moyano.

Patay din ang panganay na anak ni Christopher na 14 anyos na babae; at isa pang sanggol na tinatayang apat na buwang gulang ang nasawi rin.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, bagong lipat lang sa lugar ang pamilya kaya hindi pa nila gaanong kilala ang mga ito.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bacoor Cavite, fire incident, Radyo Inquirer, Bacoor Cavite, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.