Kinatawan ng bangko na kinunan ng mga dokumento para sa PDAF ni Jinggoy Estrada sumalang sa cross examination

By Erwin Aguilon April 23, 2018 - 11:13 PM

Sumalang na sa cross-examination ang testigo ng prosekusyon na kinatawan ng Metro Bank na si Atty. Donato Espino para sa kaso ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa kanyang testimonya, sinabi nito na wala siyang personal knowledge sa mga transactions hinggil sa transfer at source of transactions ng mga bank accounts ni Estrada.

Wala rin anyang anumang legal conclusions sa mga dokumento na ibinigay ng kanilang bangko sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Susunod na isasalang ng prosekusyon na testigo ang sinasabing mga benepisyaryo ng PDAF ng dating senador at ang wistle blower na si Benjur Luy.

Samantala, sa buwan ng Hunyo posibleng matapos na ang pagpiprisinta ng testigo ng prosekusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.