2 Pinoy inaresto sa Kuwait matapos kumbinsihin ang mga household service workers na tumakas sa kanilang amo

April 23, 2018 - 12:06 PM

(BREAKING) Dalawang Filipino ang inaresto ng mga otoridad sa Kuwait matapos hikayatin umano ang mga kapwa nila Pinoy na household service workers na takasan ang kanilang mga amo.

Ito ay base sa ulat ng state-run na KUNA news agency.

Ayon sa ulat, dalawang Pinoy ang ikinulong ng mga pulis dahil kinumbinsi nila ang mga babaeng “housemaids” para tumakas sa kanilang employers.

Sinabi ng Kuwait Ministry of Interior (MoI) na base sa interogasyon sa dalawang Pinoy, umamin silang dati na rin nilang ginawa ang insidente.

Umamin umano ang dalawang hindi pinangalanang Pinoy na nanghikayat sila ng mga kapwa Pinoy na tumakas sa kanilang mga amo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 filipinos arrested, KUNA News AGency, 2 filipinos arrested, KUNA News AGency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.