2 patay sa aksidente sa Pangasinan

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Inquirer Northern Luzon April 23, 2018 - 11:12 AM

Patay ang dalawang motorcycle riders sa magkahiwalay na aksidente na naganap sa Pangasinan.

Idineklarang dead on arrival sa Urdaneta Sacred Heart Hospital si Liberato Rimorin Jr., 22 anyos makaraang bumangga sa concrete road barrier ang sinasakyang motorsiklo sa southbound lane nmg Manila North Road sa Barangay Anonas Lunes ng umaga.

Samantala, sa hiwalay na aksidente, patay si Eduardo Serrano, 44 anyos makaraang bumangga naman sa truck ang sinasakyan niyang motorsiklo sa bayan ng Aguilar.

Naganap ang aksidente Linggo ng gabi.

Binabagtas ni Serrano ang southbound lane ng highway nang siya ay mag-overtake sa isang nakahimpil na sasakyan pero bumangga ito sa isang cargo truck na noon ay nagpapaliko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, pangasinan, Radyo Inquirer, accident, pangasinan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.