Laban nina Pacquiao at Khan, malaki ang tsansang matuloy

By Chona Yu October 11, 2015 - 10:43 AM

pacman and khan
Inquirer file photo

Malaki ang tsansa na matuloy na ang laban nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Amir Khan.

Ayon kay Khan, nasa 75 porsiyento na ang tsansa na makasagupa niya sa ring si Pacquiao.

Ginawa ni Khan ang pahayag sa FIBA World Boxing Championships na ginanap sa Doha, Qatar.

Sa ngayon ayon kay Khan, nakikipag-usap na ang kanyang kampo sa panig ni Pacquiao.

Inamin naman ni Pacquiao na may tsansa na makalaban niya si Khan bago tuluyang magretiro sa mundo ng boksing.

Dagdag ni Pacquiao, maaring maganap ang laban sa Marso o Abril bago ang halalan sa Pilipinas sa Mayo.

TAGS: amirkhan, MannyPacquiao, pacquiaovskhan, pambansangkamao, amirkhan, MannyPacquiao, pacquiaovskhan, pambansangkamao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.