Bilang ng patay sa suicide attack sa Afghanistan, umakyat na sa 48

By Angellic Jordan April 22, 2018 - 04:46 PM

AP photo

(Updated) Pumalo na sa mahigit 48 katao ang patay habang 112 sugatan sa nangyaring suicide attack sa Kabul, Afghanistan.

Nagpasabog ng bomba ang isang suicide bomber sa entrance gate ng voter registration center sa naturang bayan.

Ayon kay Kabul police chief Daud Amin, target ng suicide bomber ang mga sibilyang kumukuha ng identification cards (IDs) sa lugar.

Sa isang pahayag, inako ng Islamic State group ang responsibilidad ng pag-atake.

Nasira rin ang ilang sasakyan dahil sa pagsabog.

Bunsod nito, pansamantalang ipinasara sa publiko ang kalsada kung saan nangyari ang insidente.

TAGS: afghanistan, Kabul, Suicide Attack, afghanistan, Kabul, Suicide Attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.