DFA: Walang Pilipinong nadamay sa opensiba ng Syrian Army

By Rohanisa Abbas April 22, 2018 - 03:28 PM

Inquirer file photo

Walang Pilipinong nadamay sa opensiba ng Syrian Army laban sa mga militante sa Damascus.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, patuloy na binabantayan ng Embahada ng PIlipinas sa Damascus ang sitwasyon sa gitna ng gyera sa naturang bansa.

Ayon sa embahada, hindi bababa sa 1,000 Pilipino ang nananatili sa Syria.

Dagdag nito, patuloy ang artillery at mortar exchange sa Damascus bagaman nagpahayag na ang mga militante na susuko.

Muli namang pinaalalahanan ng DFA ang mga Pilipino sa Syria na manatiling handa at mapagbantay.

Una nang sinabi ng DFA na handa ang kagawaran sa posibleng pagpapauwi sa mga Pilipino.

TAGS: DFA, Pinoy, Syrian Army, DFA, Pinoy, Syrian Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.