Mga pampasabog nakumpiska sa dalawang suspek sa Baguio City

By Rohanisa Abbas April 21, 2018 - 04:00 PM

Inquirer file photo

Nakumpiska ang hindi bababa sa 250 iba’t ibang uri ng pampasabog tulad ng mga dinamita ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa Baguio City.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya matapos ang ilang buwan manmanan ang dalawang suspek.

Ayon kay Chief Insp. Carolina Lacuata, taga-suplay umano ng pampasabog sa mga minero ang mga suspek.

Dagdag ni Lacuata, inaalam pa nila kung sila rin ang supplier ng pampasabog sa komunistang grupo.

Nakadetine ngayon sa Baguio City Jail ang dalawang hindi pinangalanang suspek.

Mahaharap sila kasong illegal possession of explosives at paglabag sa ipinatutupad na gun ban ng Comelec.

TAGS: baguio city, dynamite, eplosives, PNP, baguio city, dynamite, eplosives, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.