Kris Aquino muling binanatan si James Yap, wala nang panahon kay Bimby

By Cyrille Cupino April 20, 2018 - 04:59 PM

Muling binanatan ni “queen of all media” Kris Aquino ang kanyang ex-husband na si James Yap matapos itong magpahatid ng birthday message para sa anak na si Bimby.

Tila sinagot ni Kris ang pagbati ni James sa anak, matapos nitong sabihin na alam niyang hindi na sila nagkikita ni Bimby.

Sa naturang mensahe, ipinarating ni James na bagama’t hindi na sila nakapagsasama, lagi umano siyang nasa tabi ng anak sa oras ng pangangailangan.

Nag-post rin si Kris ng video na may serye ng quotes sa instagram at sa caption, dito niya ibinulalas ang kanyang nararamdaman.

Tanong ni Kris, bakit nga ba hindi nagkikita si James at ang anak na si Bimby, at kanya rin itong sinagot sa kanyang post.

Ayon kay Kris, wala na kasing pakinabang si James sa kanyang anak dahil wala na sila sa kapangyarihan.

Binanatan pa ni Kris ang interview ni James noong 2013 kung saan sinabi nito na inilalayo sa kanya ang anak.

Tinawag pa ni Kris na peke ito at ‘trying hard’ lang ang pag-iyak ni James sa harap ng media.

Dagdag pa ni Kris, pinag-aksayahan ni James ng panahon ang anak noon dahil nasa Malacañang pa ang kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bimby, James Yap, Kris Aquino, Bimby, James Yap, Kris Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.