Aktor na si Julio Diaz arestado sa drug operations sa Bulacan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 11:11 AM

(UPDATE) Nadakip ang aktor na si Julio Diaz o Mariano De Leon sa tunay buhay sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Langka alas 12:40 ng madaling ara ng Biyernes.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office chief Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., nadakip ang 59 anyos na aktor sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Meycauayan City Police.

Maliban kay Diaz, naaresto din ang isang Ronald Gomez alyas Robin matapos silang magbenta ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula kay Diaz at kay Gomez ang apat na piraso ng plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 12 gramo at tinatayang aabot sa P60,000 ang halaga.

May nakuha rin sa kanilang drug paraphernalia at ang ginamit na buy bust money.

Nasa Bulacan Crime Laboratory Office ngayon si Diaz at si Gomez habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti illegal drug operation, Julio Diaz, meycauayan bulacan, anti illegal drug operation, Julio Diaz, meycauayan bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.