Lalaki arestado matapos muntik sagasaan ang mga nakapila sa Comelec Arroceros, Maynila

By Ricky Brozas April 20, 2018 - 10:25 AM SHARE(S):

Dinala sa tanggapan ng Manila Police ang isang lalaki matapos nitong muntik nang masagasaan ang hilera ng mga tao na naghahain ng kanilang Certificate of Candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections sa Arroceros sa Ermita, Manila.

Nabatid na nakainom pala ang driver ng kulay puting Subaru na SUV na may plakang ALA 4602 na si Alexander Chiang Arcenal, 46 anyos, residente ng Quezon City.

Ayon kay SPO4 Ronald Magpantay, pasado alas 7:15 Biyernes ng umaga nang mangyari ang insidente.

Nabatid na nagdere-diretso sa hanay ng mga nakapila sa COMELEC ang sasakyan ng suspek.

Nagtaka rin ang mga tao kung bakit doon idinaan ng suspek ang kanyang sasakyan gayung makipot ang daan at marami ang mga nakapila para maghain ng kanilang Certificate of Candidacy.

Nang sitahin ng mga pulis ang lalaki at buksan nito ang bintana ng kanyang sasakyan ay nangamoy alak ito.

Sinubukan pang tumakas ng suspek pero kaagad siyang naharang ng mga tao at mga pulis na nakatalaga sa lugar.

Nahaharap na ngayon sa ibat-ibang kaso ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Arroceros Manila, comelec, Radyo Inquirer, Arroceros Manila, comelec, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.