Grab aapela sa LTFRB para mabalik ang kanilang P2 per minute charge

By Jan Escosio April 20, 2018 - 09:52 AM

Iaapela ng Grab Philippines ang utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) na itigil ang paniningil ng P2-per-minute dagdag pasahe sa kanilang mga pasahero.

Kasabay nito, iginiit ni Brian Cu, ang country head ng Grab, ang sinasabing ilegal na singil ay napupunta sa kanilang mga driver at hindi sa kompaniya.

Sa inilabas nitong pahayag, sinabi ni Cu na maaring maapektuhan ng utos maging ang kanilang mga pasahero.

Paliwanag niya dahil sa tindi ng traffic sa Metro Manila posible na hindi na lang pumasada ang kanilang mga driver bunga ng utos ng LTFRB.

Ngunit sa pagdinig ukol sa isyu sa LTFRB, inamin ni Cu na inilihim nila sa kanilang mga pasahero ang dagdag na singil sa pasahe.

Ang P2-per-minute charge ng Grab ay ibinunyag ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles na nagsabi din na dapat ay ibalik sa mga pasahero ng transport network company ang P1.8 bilyon na sobrang nasingil sa pasahe sa nakalipas na limang buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 pesos per minute, Grab Philippines, ltfrb, Radyo Inquirer, 2 pesos per minute, Grab Philippines, ltfrb, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.