Van nahulog sa bangin sa Benguet, 4 ang patay

By Rohanisa Abbas April 20, 2018 - 09:17 AM SHARE(S):

Nahulog sa bangin ang isang van sa Bokod, Benguet na ikinasawi ng apat katao.

Papunta sana ang van sa Quirino province kung saan dadalo sa kasalan at reunion ang magkakamag-anak

Ayon sa kamag-anak ng isa sa mga sugatang pasahero, nawalan ng kontrol sa van ang driver nang pumalya ang brake nito.

Sakay ng van ang 12 katao nang maganap ang insidente kagabi. Narinig ng mga motorista sa lugar na may nagpapasaklolo kaya inalerto nila ang rescuers.

Dead on the spot sina Antonio Bulay, Alipio Bulay at Julie Valencia.

Naisugod pa sa ospital si Gemma Lorenzo ngunit patay na nang dumating ito roon.

Patuloy namang binabantayan ng mga doktor ang kondisyon nina Corazon Bulat at Nelly Joy Soriano. Ginagamot din ang driver at iba pa na nagtamo ng minor injuries.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Bokod Benguet, provincial, Radyo Inquirer, accident, Bokod Benguet, provincial, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.