Konduktor ng bus, ninakawan ang tulog na pasahero

By Rhommel Balasbas April 20, 2018 - 07:32 AM

Radyo Inquirer

Puno ng pagsisisi ang isang konduktor ng bus makaraang nakawan ng cellphone ang isang pasaherong lasing.

Kinilala ang konduktor na si Charlie Camngeg na itinuturong suspek sa pagnanakaw sa pasaherong kinilala na si Antolin Adlawan.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari na si Jayson Posadas, natutulog sa harapan niya ang lasing na si Adlawan nang pasimpleng damputin ni Camngeg ang cellphone nito at itinago.

Gayunman, nagmatigas ang suspek at ipinahiya pa ang biktima habang itinatangging wala itong kinukuhang cellphone.

Nanindigan naman si Posadas sa kanyang nakita at nang tingnan ang bag ng suspek ay nakita nga rito ang cellphone ng biktima.

Bagaman hindi na makukulong matapos patawarin ng biktima sa presinto ay nangangamba ang konduktor na masisibak siya sa trabaho.

Nakarating na umano ang insidente ng kanyang pagnanakaw sa operator ng bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bus, metro, Radyo Inquirer, bus, metro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.