Mahigit 320,000 na pasahero naserbisyuhan ng MRT-3 noong Huwebes

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 07:15 AM SHARE(S):

Umabot sa mahigit 320,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Metro Rail Transit – 3 sa maghapong operasyon nito kahapon, araw ng Huwebes.

Sa daily operations report ng MRT-3, umabot sa 322,558 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng tren kahapon.

Umabot sa 15 ang average na bilang ng mga tren na bumiyahe sa kasagsagan ng peak hours habang 14 naman kapag off-peak hours.

Isang unloading incident naman ang naitala kahapon matapos na mayroong isang pintuan ng MRT ang nagkaproblema.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, railway, Train, dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, railway, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.