Donaire, iginiit na may ibubuga pa sa boxing

By Rhommel Balasbas April 20, 2018 - 12:27 AM

Nais patunayan ng five-division World Champion at 2012 Fighter of the Year na si Nonito ‘The Flash’ Donaire na may ibubuga pa siya sa boxing ring.

Ayon kay Donaire, bagaman tumatanda na siya ay kasulukuyan pa lamang niyang tinatahak ang daan patungo sa ‘peak’ ng kanyang karera.

Sa isang panayam, sinabi ni Donaire na natatamo niya na ang bantayog ng kanyang pisikal na lakas at kanyang karanasan.

Nasa Belfast, Northern Island ngayon si Donaire para sa kanyang nakatakdang laban kay Carl Frampton.

Bagaman anya napakalamig sa naturang lugar ay naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao maging mismong mga solid fans ni Frampton.

Makalalaban ni Donaire si Frampton na isang two-division World champion para sa interim WBA World Featherweight title sa April 21 sa SSE Arena.

Ang mananalo ay makalalaban ang regular champion na si Oscar Valdez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.