Julia Barreto, sinusubukan muling ibigay ang tiwala kay Joshua Garcia

By Rhommel Balasbas April 20, 2018 - 12:01 AM

‘He’s still trying to gain my trust…’

Ito ang bahagi ng pahayag ni Julia Barreto tungkol sa kasulukuyang sitwasyon ng kaniyang relasyon kay Joshua Garcia.

Matatandaang naharap sa pagsubok ang dalawa na inamin mismo ni Garcia sa isang panayam.

Sa isang pahayag, sinabi ni Barreto na hindi pa sila muling nakakapag-usap ni Garcia dahil nasa Siargao ito at siya naman ay tumungo umano sa Bali, Indonesia.

Iginiit ng aktres na may pinagsamahan sila at may pagmamahal na binuo kaya’t hindi madali para sa kanyang talikuran na ito kahit na siya ay nasaktan ng aktor.

Dahil dito anya ay patuloy pang kinukuhang muli ni Garcia ang kanyang tiwala at sinabi namang nasa maayos silang lagay at patuloy anya ang kanilang buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.