Morale ng mga pulis mataas sa pag-upo ng bagong PNP Chief

By Mark Makalalad April 19, 2018 - 04:33 PM

Mataas pa rin ang morale ng Philippine National Police.

Ito pahayag ni PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao sa pagkakatalaga kay Police Director Oscar Albayalde bilang bagong PNP Chief.

Ayon kay Bulalacao kilalang mahusay at may integridad si Albayalde kaya mananatili aniyang mataas ang morale ng kanilang hanay.

Hindi rin daw daw magiging problema ang kanilang transition dahil tuloy lang ang programa na nasimulan na ni Ronald Dela Rosa kagaya ng Oplan Tokhang at Double Barrel.

Dagdag pa nya, kilalang disciplinarian si Albayalde at mas makabubuti aniya sa kanilang hanay kung mapaparusahan o maalis sa serbisyo ang ilan nilang kasamahan kung naliligaw ng landas.

Nakakasira aniya sa imahe ng kanilang organisasyon at pagseserbisyo sa bayan ang mga tiwaling pulis.

Si Albayalde ay uupo na ngayong araw bilang ika 22 PNP Chief.

TAGS: albayalde, Camp Crame, dela rosa, NCRPO, PNP, albayalde, Camp Crame, dela rosa, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.