Dela Rosa pinagre-report na sa BuCor; hirit na 5-buwang bakasyon, mapupurnada

By Mark Makalalad April 19, 2018 - 12:47 PM

Posibleng mapurnada ang 5 buwang bakasyon na hirit ni outgoing PNP chief PDG Ronald Dela Rosa matapos ang kanyang pagbaba sa pwesto.

Ito’y dahil sa pinapag-report na agad si Dela Rosa sa kanyang bagong assignment sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Dela Rosa, sinabihan siya ng Presidential Management Staff noong magtungo siya sa Malakanyang na inaasahan na siya sa BuCor isang linggo pagkatapos niyang bumaba sa pwesto.

Nais kasi muna ni Dela Rosa na mabigyan siya ng mas mahabang panahon upang makapagpahinga ng mas matagal at makapagbakasyon kasama ang pamilya.

Pero kahit aniya dalawang linggong bakasyon ay ok na rin sa kanya.

Ayon kay Dela Rosa, pagkatapos niyang bumaba sa pwesto ay lilipad siya pabalik ng Davao para sa kanyang maikling bakasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Corrections, PNP chief, ronald dela rosa, Bureau of Corrections, PNP chief, ronald dela rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.