Pastor patay, 2 iba pa sugatan sa pananambang ng mga rebelde sa Surigao Del Norte

By Erwin Aguilon April 19, 2018 - 11:57 AM

Photo from 23rd IB of Phil. Army

Patay ang isang pastor habang sugatan ang dalawang sibiliyan matapos walang awang pagbabarilin ng mga rebelde Miyerkules ng tanghali sa Brgy. Lahi, Gigaquit, Surigao Del Norte.

Nakilala ang nasawi na si Jepti Acido, pastor ng Jehovas Witness, 32-anyos at residente ng Tayaga Claver.

Habang ang mga nasugatan naman ay sina Virgil Flor Ortiz, 23-anyos at Abner Malaque 20-anyos.

Nabatid na sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo nang ratratin ng mga rebelde na kasapi ng “Gerelya Gront 16”.

Agad na isinugod sa pagamutan sa Surigao ang dalawang sugatan habang dinala ang bangkay ng pastor sa kanyang bahay.

Mariin namang kinondena ni BGen. Franco Nemesio M. Gacal, commander ng 402nd Infantry Brigade ang pag-atake ng
rebeldeng grupo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 1 dead 2 injured, ambush incident, pastor, surigao del norte, 1 dead 2 injured, ambush incident, pastor, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.