Pulis patay sa pananambang sa Iligan City

By Angellic Jordan April 19, 2018 - 11:14 AM

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin habang nagjo-jogging sa bahagi ng Barangay Del Carmen sa Iligan City, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Sr. Insp. Felix Rabago, hepe ng Iligan Police Station 1, pinagbabaril ng riding in tandem si Senior Police Officer 4 Junas Balbutin, 56-anyos kung kaya’t nagtamo ito ng multiple bullet wounds na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Aniya pa, naghihintay na lamang ng tatlong buwan ang biktima bago ang kaniyang pagreretiro.

Sa ngayon, hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Patuloy rin aniya ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo ng suspek sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, Iligan City, Police officer, Radyo Inquirer, ambush incident, Iligan City, Police officer, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.