Pang. Duterte pumalag sa pagbatikos ni Sister Patricia Fox sa Pilipinas

By Cyrille Cupino, Len Montaño April 19, 2018 - 05:32 AM

Pinalagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batikos ng Australyanong madre na si Patricia Fox laban sa Pilipinas gayung may paglabag sa karapatang pantao ang bansa nito.

Sa kanyang talumpati sa Change of Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, sinabi ng pangulo na bakit hindi batikusin ng madre ang Australia na tumangging tumanggap ng mga refugee.

Hinayaan aniya ng Australia ang mga refugee na bumalik sa dagat at danasin ang mainit na sikat ng araw at malamig na gabi.

Mas mabuti na aniya sa Pilipinas dahil ang mga pinapatay sa bansa ay mga kriminal, gayung sa Australia ay ang mga inosenteng sibilyan at mga bata na naghahanap ng bansang mapagkakanlungan ang kanilang pinababayaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.