Malacañan nagulat sa viral photo ni VP Robredo sa Holocaust Memorial sa Germany

By Chona Yu April 19, 2018 - 02:30 AM

Nagulat ang Palasyo ng Malacañan na totoo pala ang viral picture ni Vice President Leni Robredo at iba pang mga mambabatas mula sa Liberal Party sa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat humingi na ng paumanhin si Robredo, lalo siyang nagimbal sa nasabing aksyon lalo’t lumalabas aniya na hindi nila naintindihan kung ano ang nasa likod ng mga nasabing istruktura na ginamit na background ng kanilang larawan na nakangiti pa ang mga ito.

Ayon kay Roque naluha siya nang magawi siya noon sa Holocaust Memorial na nagsisilbing alaala ng milyong Hudyo na pinaslang ng Nazi noong World War 2.

Mayroon aniyang code of conduct na sinusunod ang mga opisyal ng bansa na gabay para hindi gumawa ng kapula-pula sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.