Pagkakapanalo ng Pilipinas Sambo Federation ikinatuwa ng Malacañan

By Chona Yu April 19, 2018 - 02:27 AM

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malacañan sa pagkakapanalo Pilipinas Sambo Federation Incorporated ng 11 medalya sa 1st Southeast Asian Sambo Championship na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, hindi matatawaran ang kakayahan ng mga atletang Pinoy.

Sinabi ni Go na batid niyang determinado ang grupo kaya ginawa ng mga ito ang lahat para mapanalunan ang mga medalya.

Maliban sa pagpuri, sinabi ni Go na kumbinsido siyang mas pagbubutihin pa ng grupo ang kanilang susunod na torneo at kumpetisyong sasalihan sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.