Rachelle Ann Go ikinasal na sa Boracay

By Justinne Punsalang April 19, 2018 - 12:01 AM

Mark Bautista Instagram

Nakipagisang-dibdib na ang Hamilton star na si Rachelle Ann Go sa kanyang businessman fiancee na si Martin Spies.

Ginanap ang kasalan sa Boracay kung saan din sila naging-engaged noong nakaraang taon.

Sa isang Instagram post ng kaibigan ni Rachelle Ann at dating kasama sa industriya na si Mark Bautista ay binati nito ang bagong kasal.

Present din sa kasalang Go-Spies ang iba pang mga kaibigang singer ni Rachelle Ann na sina Sarah Geronimo, Erik Santos, at Kyla.

Nagkakilala sa New York sina Rachelle Ann at Martin sa pamamagitan ng isang common friend habang nasa kalagitnaan ang singer-actress ng “Miss Saigon” tour noong 2017.

TAGS: #GoSpies, boracay, Rachelle Ann Go, wedding, #GoSpies, boracay, Rachelle Ann Go, wedding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.