Gobyerno, pinaghahain ng protesta sa paglapag ng military plane ng China sa Mischief Reef

By Erwin Aguilon April 18, 2018 - 11:33 PM

Hinikayat ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang pamahalaan na maghain ng protesta kaugnay sa ginawag paglapag ng military plane ng China sa Panganiban o Mischief Reef.

Ayon kay Alejano kung hindi kikilos ang pamahaaan ay oras na lamang ang hihintayin at siguradong magde-deploy na rin ang China ng fighter aircrafts sa lugar.

Dahil dito dapat anyang maghain ng diplomatic protest ang administrasyon sa halip na idepensa pa ang hakbang ng China.

Naniniwala rin ang kongresista na ang paglapag ng military plane ng China sa Panganiban Reef ay bahagi ng estratihiya nito para makontrol ang South China Sea.

Hindi naman nasorpresa ang kongresista sa paglapag ng military cargo plane ng China sa lugar dahil hindi naman anya ire-reclaim ng China ang nasabing bahura kung hindi ito gagamitin.

Iginiit pa nito na hindi gagawa ng military grade airstrip sa lugar ang China kung pang-display lamang.

TAGS: China, Mischief Reef, China, Mischief Reef

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.