VIRAL: Pagsagasa ng AUV sa mga naghahapunan sa isang mall sa Alabang

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 18, 2018 - 11:55 AM

Siyam ang sugatan makaraang bumangga ang isang AUV sa loob ng isang restaurant at inararo ang mga kumakain sa isang mall sa Alabang.

Sa statement ng Festival Mall sa Alabang, noong Linggo pa ng gabi nangyari ang insidente, pero lumabas lang ang balita makaraang mag-viral sa Facebook ang CCTV footage ng pagsagasa ng AUV sa mga naghahapunan.

Hindi umano sinasadyang naapakan ng driver ng kulay puting Toyota Innova ang gas pedal ng sasakyan habang nagpapaliko kaya bigla itong umatras ng mabilis at pumasok sa Gerry’s Grill restaurant.

Siyam ang nasugatan sa nasabing insidente kabilang ang driver ng Innova.

Ayon sa pahayag ng pamunuan mall, dinala ang lahat ng sugatan sa Asian Hospital.

Pawang nasa ligtas na kondisyon naman na ang mga nasugatan sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Festival Mall, Innova, Radyo Inquirer, accident, Festival Mall, Innova, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.