Pacquiao, nakikipagusap kina Mayweather at Khan para sa susunod niyang laban

October 10, 2015 - 05:31 AM

pacquiaoKinumpirma ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na nakikipagnegosasyon siya kina Floyd Mayweather Jr. at Amir Khan para maging sunod niyang kalaban.

Ayon kay Pacquiao, wala naman siyang pakialam kung sinoman sa dalawa ang kaniyang makakalaban at kung saan man ito gaganapin.

Tiniyak lang ni Pacquiao na magkakaroon pa siya ng isa pang laban, na maaaring huling laban na rin niya, bago mag-eleksyon.

Inaasahan namang mailalabas na niya ang pinal na desisyon sa kung sino ang kaniyang sunod na makakalaban sa Nobyembre o Disyembre ng taong ito.

Magugunitang nauna nang nagsabi si Pacquiao na tatakbo siya bilang senador sa 2016 elections at nagpahiwatig na rin ng pagreretiro sa larangan ng boxing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.