Ilang bahagi ng Maynila, Caloocan, QC at Pasay, mawawalan ng tubig ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 18, 2018 - 07:54 AM SHARE(S):

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang ilang bahagi ng Maynila, Caloocan, QC at Pasay, dahil sa maintenance works ng Maynilad.

Sa Maynila, mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas ang water interruption sa bahagi ng Solis, Bulacan, Dagupan at Juan Luna Streets sa Barangay 152, 161 hanggang 165 at 185.

Sa Caloocan naman, mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas ang water interruption sa Barangay 186, 156 at 157.

Sa Quezon City, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay San Agustin, mula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas.

Habang sa Pasay City, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas ang water interruption sa mga bahagi ng Arnaiz Avenue, Tripa De Galena, kanto ng EDSA at Tramo sa Barangay Sta. Clara.
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, manila, maynilad, Pasay City, quezon city, Radyo Inquirer, caloocan, manila, maynilad, Pasay City, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.